Padagos na Pagtalubo

Makibahagi, makisalo, at makisaya sa patuloy na pagsibol ng aming pagmamahalan.

Saturday January 20, 2024

Quezon City, Metro Manila

817 days 17 hrs 50 mins ago

Ang Kanilang Kwento

Nagkakilala sila sa Pisay - Bicol sa Goa, Camarines Sur noong taong 2006. Isang taon ang kanilang pagitan, mas matanda si Arvin, naging magkagrupo sila sa Acquaintance Party noong freshman si Madonna at doon nagsimula ang lahat. Nagustuhan ni Arvin ang simpleng kagandahan at kabaitan ni Madonna hanggang sa nauwi ang lahat sa pakikipag-usap sa telepono at pagpaparamdam ng paghanga mula highschool hanggang kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman.

Noong pumayag si Madonna na magpaligaw, sila ay halos laging nagkikita at kumakain sa mga kiosks sa Vinzon’s Hall para sa pancit canton at tusok-tusok. Ang paghatid sa may Molave Dorm pakatapos ng pasok sa hapon ay isa din sa madalas nilang gawain. Madalas din silang naglalakad-lakad sa Academic Oval at nagkukwentuhan tungkol sa kanilang mga ginawa buong araw o di kaya'y tumatambay sa may Karilyon at Quezon City Memorial Circle na nakatingala at nakatingin sa mga tala, nangangarap at umaasa sa masayang kinabukasan kasama ang isa’t isa. Simple at payak ang kanilang pagmamahalan.

Makalipas ang sampung taon, noong ika-apat ng Disyembre taong 2022, nakamit na ang pinakaaasam na oo. Kasama ng basbas ng mga magulang at sa harap ng kanilang matatalik na mga kaibigan, naibigay na ang “bato”! Ngayon, masasaksihan niyo ang patuloy na pagsibol ng kanilang pagmamahalan.

Kilalanin Sila

Mahalagang Petsa

Gabay sa mga Maglalakbay

Regalo

Ang inyong pagmamahal, kasiyahan, at pagdalo ay sapat ng regalo. Ngunit kami ay lubos na magagalak sa inyong perang handog na gagamitin sa pagbuo ng aming munting tahanan.

Sagot sa mga Katanungan

Para di na mangulet at magtanong ng paulet-ulet.

Mga Abay

Get the app

Download Joy and join our app using our event handle patuloynapagsibol. View and share photos and stay up-to-date with details on the go.